Send Money Transaction Limits during the 2025 Midterm Elections
Para masiguradong malinis at tapat ang 2025 Midterm Elections, magpapatupad ang GCash ng pansamantalang limit sa daily transactions alinsunod sa COMELEC Resolution No. 11104
Layunin nitong maiwasan ang vote-buying at iba pang uri ng maling paggamit ng pera na may kaugnayan sa halalan. Ang limit na ito ay mananatili hanggang Mayo 12, 2025, at babalik sa normal ang transactions sa Mayo 13, 2025.
Babantayan ng GCash ang mga transactions para matiyak na hindi ito ginagamit sa ilegal na election activities. Kapag naabot mo ang daily limit, makakapag-transact ka ulit kinabukasan. Pati mga business users ay sakop ng temporary restrictions na ito para masigurong transparent at maayos ang lahat ng financial activities habang eleksyon.
Ang mga hakbang na ito ay para sa patas at ligtas na halalan. Sa pagpigil sa financial influence sa boto ng mga tao, masisigurong tunay na boses ng mamamayan ang resulta ng eleksyon.
Pansamantalang hindi magagamit ang mga sumusunod na Send Money services kapag naabot na ang daily limit:
- Express Send
- Send via QR
Sigurado kami na ligtas ang inyong pera sa GCash.